Plus 1 ako ni Martian sa kanyang convention ngayon dito sa Sofitel. Naawa kasi ang lolo due to my very stressful week (ito ay dahil sa maraming incident reports -I really need to fire this staff!- at super emoterang mga consultants).
Umagang umaga nagtext na si Martian to confirm our weekend getaway at siempre di na ako nagpapilit isang malaking YES ang textback ko.
Dumating ako sa hotel ng past past 17:00, at nagmeet kami ni Martian sa Spiral, sosyal ang lolo ko. Anyway, dahil pagod ako (may shooting ang isang teledrama ng siete sa work at nakikipagpatentero ako sa crew nila para matapos ang trabaho ko ng maaga) nag request ako na umakyat na sa room para magpahinga. Ito ang bumungad sa akin pagpasok sa room...
Nawala ang pagod ko instead nagdocumentation ako. Picture galore!
ako, gusto ko sana mag alis ng damit pero baka ma umay kayo
sa "loo", may only complaint is walang tub - artey ko no? libre n nga mareklamo pa!
pero ng makita ko ang beauty products...
gumana ang pagka skwala ko, take a bath agad ang lola, first time ko kasing makakagamit ng skin care from L' Occitane en Provence...
vista ng bed from another angle
the closet, siempre naka hang ang a& f kung shirt na galing divisoria
di ko alam kung anong tawag sa areang ito, basta may small ref at mga chocolates, dahil may bayad, picture na lang :)
day bed ata tawag dito
Ito ang view sa terrace, di ko maalala ang landmark na yan, ang alam ko maraming nagbuwis ng buhay diyan.
Skyline ng Makati, from the terrace
skyline ng MoA at ang Manila bay
Samsona or Herculesa sa may elevator
room 1128 kami
siempre kelangan kasama ang gay shoes ko. Notice the Triangle and the 6 color rainbow
with Martian's beki shoes
magjowang beki
Anyway ng makontento ako, nagset up agad ako ng work station. Linabas ang mga gadgets. Meet my laptop, I christened her Ferosiya. Meet Padida, my ipad, na ang laman ay puro pang raket na flash cards at ebooks. Lastly my, mobile, no name kasi chipangga hahaha. Ang mobile ko ay bigay ni Martian nung mawala ko ang regalo niyang sony ericson phone.
yan ang mga gadget ko, laptop, ipad and my only mobile
camera shy na beki
Dito na lang muna kasi, kainan na at another photo op itey.
Next post is about my dinner at Spiral...