Tuesday, June 28, 2011

Genesis

Matagal na akong nagbababsa ng mga blog ng mga kagayang kong bakla. Ako'y tuwang tuwa (at inggit) sa kanilang mga kwento at kalandian. 

Siguro 4 or 5 years old ako alam kong iba ako sa karaniwan. Na-a-alala ko pa noon naglalaro kami ng anak ng yaya ko ng superhero acting, ako si superman at ang kapa ko ay towel na pula. Pero sa lahat ng superman ako lang ang may eyeshadow na laway. TAMA ang nabasa mo, LAWAY, 



sabi kasi ng kalaro kong malandi may make up daw si superman, at dahil wala makitang pangkolorete sa mukha, linawayan niya ang kanyang hintuturo sabay aplay sa aking virgin na talakup at isipin ko na lang daw na make up yon. Mga ate, sa murang edad linalawayan na ako, sa'n ka pa?

Anyway, tama na muna ang kwento, share ko lang kung bakit ko naisipang magblog after 10 years of just reading other rainbow bloggers. May dalawang rason kung bakit ko naisip mag blog, Una, nais kong kumita ng pera. Madami kasi akong gay books na nais ko ng ibenta sa murang halaga. May iba't ibang uri ako na gay books gaya ng self help, autobiography at fiction - karamihan sa mga libro ko ay fiction - mga kwentong kabaklaan, gaya ng mga ito ...


... at marami pang iba.

Isa isa kong ilalathala ang aking review sa mg libro at ang presyo. 

Dahil second hand ang mga libro, may mga "dog ears" ang ibang mga pahina. Hindi kasi ako gumagamit ng book mark. Maliban sa mga marka ng pagtupi, wala ng damage ang aking mga libro. Lahat ng librong ibebenta ko dito ay mga nabasa ko na. Taghirap lang talaga at kelangan kumita ng pera.


Pangalawang rason kung bakit ko naisip magblog: Nais kong mag share ng mga kwento ng aking pagdadalaga. Sa totoo lang wala kasi akong baklang katalik, I mean, matalik na kaibigan. Bata pa lang mga babae na ang kalaro ko, takot kasi akong mabugbog ng mga boys. Hanngang kolehiyo at sa trabaho wala akong naging kaibigang bakla. May  mga kakilala pero wala akong naging ka-u-tutang dila. Maybe it's because I'm a self loathing bakla. Mayroong inner homophobia hmmmm. Naku eto na...



Next time mag ku kwento ako ng bonggang bonga!

Hanggang dito na lang muna ang revelation, tapos na ang dinownload kong Bel Ami, it's time to do the...

Salsa!






1 comment: